Colorum na mga taxi at jeep pulis ang may-ari

HINDI na naitanggi ni Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) Director Teofilo Guadiz III na pulis ang may-ari ng dalawa sa 58 kolorum na taxi at jeep na nahuli sa isinagawang operasyon sa Pasay at Makati.

Ani Guadiz, ang isa ay pag-aari ng isang miyembro ng Highway Patrol Group at ang isa pang operator ng taxi ay pulis din.

Matatandaang matagal nang inirereklamo ng ilang taxi at jeep operators na maraming colorum na sasakyang pag-aari ng mga aktibong pulis at militar ang bumibiyahe kaya hindi sila kumikita ng sapat.

Sa panig naman ng Philippine National Police, nangako si PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na hindi nila kukunsintihin ang sinumang miyembro ng kapulisang mapatutunayang lumalabag sa batas.

Gayunman, sinabi rin ni Bartolome na hindi naman napakalaking krimen ang pagkakaroon ng colorum kaya posibleng suspension o reprimand lamang ang parusang katapat nito.

Gayunman, dahil sila ay mga pulis na dapat magpatupad ng batas ay hindi umano sila dapat magpakita ng masamang ehemplo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply