Comelec hiniling na ilipat ng kulungan si Bedol

HINILING ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes sa korte na ilipat na sa Pasay City Jail si dating elections supervisor Lintang Bedol.

Ito ay kasunod nang lumabas na balita na malayang nakagagamit si Bedol ng laptop at cell phone sa loob ng Camp Crame Custodial Center.

Ayon kay Brilliantes, hindi nito pinagkalooban ng mga nasabing pribelihiyo si Bedol na kapwa akusado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong electoral sabotage.

Si Bedol na dating provincial elections supervisor sa Maguindanao, kasama sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., dating Comelec chairman Benjamin Abalos at dating Pangulong Arroyo ay pawang nahaharap sa kasong kriminal sa Pasay City Regional Trial Court dahil sa sinasabing pandaraya sa halalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply