Comelec nagpaliwanag sa special polls sa Negros

IPINAGTANGGOL ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon na magdaos ng special elections sa Hunyo 2 sa ikalimang distrito ng Negros Occidental na nabakante matapos  bawian nang buhay dahil sa sakit sa atay si dating Representative Ignacio “Iggy” Arroyo.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, hindi praktikalidad ang ikinonsidera nila sa

paglalabas ng naturang desisyon, kundi ang pangangailangan na mairepresenta ang mga residente ng naturang lugar sa Kongreso.

Idinagdag pa nito na kinakailangan nilang gawin ito alinsunod sa batas tulad na lang ng resolusyon na inilabas ng Kamara.

Nauna nang nagdesisyon ang Comelec na magdaos ng special elections sa ikalimang distrito ng Negros Occidental, kasunod nang pagdedeklara ng House of Representative na bakante ang posisyon dahil sa pagkamatay ni Arroyo.

Alinsunod naman sa Section 4 ng Synchronized Election Act of 1991, sakaling magkaroon ng permanent vacancy sa Senado at House of Representatives, isang taon bago ang expiration ng termino ay kinakailangang magkaroon ng special election upang mapunuan ang nabakanteng posisyon nang hindi aaga sa 60 araw at hindi tatagal ng 90 araw matapos na mabakante ang naturang posisyon.

Nauna rito, sinabi ni election lawyer Romulo Macalintal na hindi praktikal at hindi na kinakailangan pang magdaos ang Comelec ng special elections dahil sa nalalapit na ang pagdaraos ng susunod na halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply