Commando gang member itinumba sa Tondo

KAHIT maraming tao ay nagawa pa ring patayin ng hindi nakilalang salarin ang isang 45-anyos na lalaki nang barilin at pagsasaksakin pa habang naglalakad kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ang biktima na may edad 40-45, may taas na 5’3 hanggang 5’5, payat ang panganagatawan, tadtad ng tattoo sa katawan tulad ng “Dugo, Weng, R Bedltran, Ramon, Michael, Yang Patawad po, Ramon,” sinasabing miyembro ng Commando Gang.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)_homicide section, 12:30 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa CM Recto Divisoria, Tondo, Manila.

Ayon sa ilang saksi, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ng suspek at pinagsasaksak.

Hindi pa nakuntento ang suspek at binaril pa ito bago umalis.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply