Concepcion, Tanada kapwa talo

SA bakbakan para sa NABF/NABO featherweight titles kasabay ng Salido-Lopez II, si WBA #1, WBC #2, WBO #2, IBF #8 rated Miguel Angel “Mikey” Garcia (28-0, 24 KOs) ay umiskor ng seventh round TKO laban kay two-time world title challenger Bernabe Concepcion (29-6-1, 15 KOs).

Matinding patama ang ginawa ni Garcia na nagpatumba kay Concepcion sa seventh round.

Sa tindi ng inabot na parusa ng Pinoy boxer, inawat na ng referee ang laban sa oras na 2:33 ng naturang round.

Si featherweight Gamalier Rodríguez (18-2-3, 12 KOs) naman ay nanalo eight round unanimous decision laban kay Filipino Allan Tanada (11-2-2, 5 KOs).

Binakbakan ni Rodriguez si Tanada sa round five at nasungkit ang mga iskor na 79-73, 79-73, 80-72.

Samantala, si unbeaten lightweight José “Chelo” González (19-0, 14 KOs) ay nanalo ng eighth round TKO kay Florida-based Colombian Hevinson Herrera (15-9-1, 13 KOs) habang si Olympian flyweight McWilliams Arroyo (11-1, 9 KOs) ay umani rin ng malaking panalo laban kay former world title challenger Luis Maldonado (38-7-1, 29 KOs) ng Mexico.

Si super flyweight McJoe Arroyo (10-0, 5 KOs) ay ginapi ang pambato ng Denver, Colorado na si Shawn Nichol (5-10, 5 KOs) habang si unbeaten super bantamweight Camilo Pérez (7-0, 4 KOs) ay pinakain din ng alikabok si Floridian Charlie Serrano (14-3-1, 4 KOs) sa pamamagitan ng decision.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply