Condo unit sa Legaspi Tower nasunog

UMABOT sa ikaapat na alarma ang naganap na sunog sa isang condo unit ng Legaspi Towers 300 sa kanto ng Osmeña street at Roxas boulevard sa Maynila.

Nabatid na nagsimula ang apoy sa unit 15-D, sa ika-15 palapag ng gusali, na pagmamay-ari ng isang Milagros Cariño.

Isang Korean student umano ang kasalukuyang umuupa sa naturang unit.

Idineklarang fire under control ang sunog kaninang bandang alas-12:28 ng tanghali kung saan nahirapan ang mga bumberong apulahin ang apoy dahil kakaunti ang tubig na dumadaloy sa hose.

Wala namang nasaktan sa insidente, habang tinataya pa ang halaga ng pinsala ng sunog

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply