Cong. Iggy nailibing na sa Manila North Cemetery

TULUYAN nang naihatid sa huling hantungan si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo, Jr. sa Manila Noth Cemetery.

Si Cong. Iggy ay inihimlay sa museleyo ng Tuason-Arroyo.

Bumuhos ang luha ng mga pamilyang naghatid kay Cong. Iggy sa huling hantungan kasabay ng paghahagis ng bulaklak.

Bago ang libing, nagdaos muna ng isang funeral mass sa kanilang ancestral residence sa Quezon City kanilang umaga.

Mahigpit ang seguridad sa naturang sementeryo na may100 police personnel ang ipinakalat sa loob at labas nito.

Kabilang naman sa prusisyon ay mahabang convoy ng mga behikulo ng mga media crew na nagkokober sa okasyon.

Namatay si Rep. Arroyo sa London noong Enero matapos ang mahabang pagkakasakit.

Ang kanyang bangkay ay naiuwi sa Pilipinas nitong nakaraang Pebrero lamang.

Samantala, dumalo pinahintulutan ng Pasay RTC na dumalo ang kanyang sister-in-law, na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa funeral mass sa Quezon City pero hindi sa funeral procession sa North Cemetery.

Ang dating lider ng bansa ay naka-hospital arrest sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply