Cong. Tiangco nagtatampo lang- Angara

HALATANG may tampo sa mga kinauukulan si Navotas Rep.Toby Tiangco.

Ito ang reaksyon ng tatlong tagapagsalita ng prosekusyon na sina Reps. Miro Quimbo, Sonny Angara at Erin Tañada sa isang press briefing na katatapos lamang.

“May tampo si Tiangco sa kinauukulan kaya mukhang inilabas ang sama ng loob sa impeachment,” sinabi ni Angara.

Magkagayunman, umaasa si Angara na sa bandang huli ay magiging malinaw kung may kaugnayan sa impeachment ang lahat ng testimonya ni Tiangco o pagtatampo lamang.

Sa panig naman ni Quimbo, kinuwestyon niya ang paglalahad ni Tiangco ng mga pinag-usapan sa executive majority caucus noong Disyembre 12, 2011 kung saan nabuo ang lagdang 188 sa walong article of impeachment laban sa punong mahistrado.

“Kung ano ang pinag-usapan doon sa majority caucus ay hindi dapat na inilalabas iyon. Napagkasunduan naming na hindi pipigilan ang pagtestigo ni Cong Tiangco,” ayon pa rin kay Quimbo.

Sa pagpapatuloy ng pagtestigo ni Tiangco ay binanggit niya na walang dokumentong ipinakita sa mga kongresista nang i-PowerPoint ang article of impeachment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply