Contempt kay Gonzales haharangin ng prosec

TUTUTULAN ng prosekusyon ang mosyon ng depensa na i-contempt si House majority leader Neptali Gonzales II.

Inihayag ito sa impeachment court ni lead prosecutor Niel Tupas Jr. matapos ihayag na tatalakayin ang mosyon sa Lunes ng umaga sa caucus ng  senator-judges.

Ang depensa ay naghain ng mosyon na i-contempt si Gonzales matapos ibunyag ni Navotas Rep. Toby Tiangco na bilang testigo para sa depensa ay tinakot siya ng majority leader na mahaharap sa “expulsion proceedings” kapag tumestigo.

Ayon kay Tupas, bago ang Lunes, March 19 ay maghahain ng opposition to the motion ang prosekusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply