Contractualization bawal na – DOLE

MAGANDANG balita sa mga manggagawa.

Sakaling hindi man mapagbigyan ang dagdag-suweldo ay ipagbabawal naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kompanya na kumuha ng mga empleyado sa loob lamang ng limang buwan upang muling kunin matapos ang termino.

Ayon sa DOLE, base sa kanilang Department Order 18-A, bawal na ang kontraktwalisasyon.

Ani DOLE Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz, kinakailangang magsumite rin ang mga contractor, sub-contractor at operatiba ng katunayan ng kanilang remittances sa Social Security System (SSS), Pag-IBIG, PhilHealth at Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa mga empleyado.

Aniya, kailangan ding may capital na tatlong milyong piso ang isang maliit na negosyo para makapag-operate.

Magbabayad din sila ng registration fee na P25,000 at mandatory 10% administrative fee sa kanilang service contract.

Ani Baldoz, inaalagaan lamang ng DOLE ang mga manggagawa at ng halos 400,000 fresh graduates na posibleng mabibiktima na naman ng illegal contractors.

Ani Baldoz, alin mang kumpanyang lalabag sa kautusan ay kakanselahin ang certificate of registration at pagmumultahin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply