Corona asal-kalye, tuta ni GMA – Malakanyang

ASAL KALYE!

Ito ang balik ng Malakanyang sa muling banat ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa paggigiit na naman ng una na ilabas ang psychological records ng huli.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ang panibagong ibinabatong isyu ng punong mahistrado na ang ugat ng paghain sa kanya ng impeachment ay dahil sa kanyang naging desisyon sa kaso ng Hacienda Luisita ay hindi makatotohanan at lumang isyu pa.

Giit ni Lacierda, ang ugat ng impeachment ay ang pagiging tuta ni Corona kay dating Pangulong Gloria Arroyo kaya siya nahaharap sa kinakalagyan sa kasalukuyan.

Ang ginawa ni Corona na paglalabas ng temporary restraining order (TRO) para palusutin si GMA sa kanyang tangkang paglabas ng bansa noong Nobyembre 15, 2011 ang isa pa sa ugat ng kaso ng mahistrado at hindi ang anomang isyu ng pangulo.

Matatandaan na si GMA ang nagtalaga kay Corona para maging chief justice ng SC.

Dagdag pa ni Lacierda, kung ang pinopproblema ni Corona ay ang tungkol sa kaso ng Hacienda Luisita, hindi aniya ito problema ng pamilya Aquino dahil handa silang ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply