Corona hindi tetestigo – Prosekusyon

KUMBINSIDO ang prosekusyon na sa pag-iingay ngayon ni Chief Justice Renato Corona sa mga istasyon ng telebisyon ay pagbabadya na wala siyang balak humarap sa impeachment court.

Ani House Deputy Speaker Erin Tanada na “Corona has come out with guns blazing but all he’s been firing are duds.”

Giit ni Tanada na mas binibigyan ni Corona ng paliwanag ang sinasabing panggigipit sa kanya gayundin ang pakikipag-meeting ng mga emisaryo ng Malakanyang subalit walang kibo ukol sa kinukwestyong yaman at statement of assets, liabilities ang networth ((SALN).

Ayon naman kay Marikina City Rep. Miro Quimbo, hindi na magugulat ang prosekusyon kapag tuwiran nang tinanggihan ni Corona ang tumestigo matapos lumabas at magpaliwanag sa mga telebisyon .

Tinukoy din ng kongresista ang aniya’y dating mailap ni Corona sa pagsasabing ang kaniyang mga abogado pa rin ang kaniyang susundin sa usaping ito.

Ngunit patuloy ang hamon ni Aurora Rep. Sonny Angara kay Corona na tumestigo sa  Senate impeachment court sa halip na magpatuloy sa kanyang “defense by publicity.”

Sa kanyang mga pagpapa-interview ay lantaran nang sinagot ni Corona ang mga usapin  ukol sa Hacienda Luisita, ang ukol sa Truth Commission, ang aniya’y pakikipagpupulong sa isang senador kung saan tinakalay ang isyu ng posibilidad ng term-sharing nila ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, mga isyung wala namang kinalaman sa impeachment trial.

Walang binabanggit si Corona ukol sa kanyang mga bahay at condo na laman ng walong article of impeachment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply