Corona ihaharap na sa impeachment court

NO CHOICE!

Ito ang paniwala ng prosecution kaya mapipilitan na ang depensa na iharap sa impeachment court si Supreme Court Chief Justice Renato Corona bilang testigo sa kinakaharap na impeachment.

Ani Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, isa sa tagapagsalita ng prosekusyon,  wala nang mapagpilian ang depensa kundi ang palutangin si Corona sa pagdinig para siya mismo ang magpaliwanag sa mga nakalagay sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Samantala, nanindigan naman ang depensa na pinag-aaralan pa rin ng kanilang grupo ang nasabing hakbang. Remate Online

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply