Corona: May banta sa aking buhay

UMUPA ng bulletproof na sasakyan si Chief Justice Renato Corona bilang tugon sa mga banta sa kanyang buhay na natatanggap.

Isang SUV na hindi tinatablan ng bala ang sinasakyan ng punong mahistrado saan man siya magtungo, bukod pa sa mga escort na motorsiklo na tanda na sineseryoso niya ang kanyang seguridad.

Ayon kay Corona, isang malapit na kaibigan ang nagsabi sa kanya na hindi biro ang nakalap nitong impormasyon na may banta sa buhay ng punong mahistardo na nahaharap ngayon sa impeachment case.

Aniya, may mga kaibigan umano sa intelligence community ang nabanggit na kaibigan ni Corona, kaya hindi dapat maliitin ang banta.

Tikom naman ang bibig ng chief justice sa kung sino ang posibleng may motibo para siya ay itumba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply