Corona naduwag humarap sa impeachment court

TINAWAG na duwag ng mga kongresista si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona matapos iurong ng depensa sa posibilidad na pagharap nito sa impeachment court.

Iginiit ng 188 Movement, malinaw na nag-chicken out o naduwag na si Corona na isang indikasyon umano na may tinatago ang punong mahistrado.

Posible aniyang natakot si Corona na humarap sa paglilitis dahil malamang na mahuli ito sa sariling bibig kapag nakuwestiyon na ng mga senator-judges.

Sa pahayag ng Movement 188, kung talagang wala umanong itinatago si Corona ay dapat agad na kinagat nito ang mungkahi ni Senate President Juan Ponde Enrile na humarap sa witness stand dahil sayang uman ang pagkakataon dahil ito na ang kanyang best defense.

Kaugnay pa rin nito, may nakikita namang posibilidad ang prosecution panel upang makaharap sa impeachment court si Associate Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Sereno sa imbitasyon ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares dahil naunahan na ito ng termination ng presentation ng prosekusyon.

Sinabi ni Marikina Rep. Miro Quimbo, puwede pang mapa-testigo si Sereno kung ang mismong senator-judge na ang humiling na humarap ito sa impeachment court.

Naniniwala si Quimbo na hindi imposible ito dahil ilang ulit na ring nagpatawag ng saksi ang senator-judges sa Corona impeachment trial at marami pa rin ang puwedeng mangyari kaya’t hindi pa masasabing sarado na ang pinto sa pagtestigo ng mahistrado. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply