Corona naghahanap na ng damay – Angara

NAGHAHANAP na lamang ng damay si Chief Justice Renato Corona.

Ito ang sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara bilang reaksyon sa plano ng depensa na ipakita ang SALN  ng ilang public officials katulad ng mga senador.

Ayon kay Angara, ginagawa ito ng depensa upang mailihis ang isyu at maipakita sa publiko na marami pang ibang opisyal ang hindi nagdedeklara ng tama sa kanilang mga SALN.

Pero giit ni Marikina Rep. Miro Quimbo, si Corona ang nililitis at hindi ang ibang mga opisyal.

Aniya pa isang lumang tugtugin ang palusot ng depensa kung saan kapag nagigipit na ang kanilang kliyente ay tinatapalan ng ibang isyu upang maiba ang usapan.

Dagdag pa ng prosekusyon, taktika ito ng depensa para magulo ang senator judges sa kanilang paglilitis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply