Corona-PNoy meeting kinumpirma ng Malakanyang

MISMONG ang Malakanyang na ang nagkumpirmang nakipagpulong nga si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona noong Hulyo 2010.

Matatandaan na unang binanggit ni Corona ang nasabing meeting kung saan pinag-usapan ang nabasurang Truth Commission at term-sharing nila ni Justice Antonio Carpio.

Pero sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, reporma sa hudikatura lamang ang tinalakay at walang kinalaman sa Executive Order No.1.

Ayon kay Lacierda, walang masama sa nasabing meeting dahil layon lamang noon na magkaroon ng maayos na relasyon ang Ehekutibo at Hudikatura.

Iginiit ni Lacierda na isinantabi ng Pangulo ang agam-agam kay Corona at binigyan ng pagkakataong patunayan ang pagiging patas at walang kinikilingan.

Gayunman, hindi aniya nangyari ang inasahan ng Pangulo dahil sa pabago-bagong desisyon ng Korte Suprema at pinakamalaki rito ang temporary restraining order (TRO) na inilabas para makalabas ng bansa si dating Pangulong Gloria Arroyo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply