Corona wag na sa impeachment court – Cruz

HINDI na dapat pang humarap sa impeachment court si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang reaksiyon ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz kaugnay sa panawagan ng ilang kritiko sa punong mahistrado na tumestigo sa impeachment court upang siya mismo ang magpaliwanag hinggil sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.

Ayon kay Cruz,  hindi tama na pagpaliwanagin pa sa korte ang punong mahistrado dahil may mga abogado naman ito na handang dumepensa at magbigay ng kanyang panig.

Iginiit pa ng arsobispo na nabigyan na ng pagkakataon ang prosekusyon na pakinggan ang kanilang panig, kaya marapat din na mapakinggan ng taumbayan ang panig ng depensa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply