Crime prevention tips ngayong Holy Week

NAGLABAS na ang National Capital Region Police Office ng crime prevention tips para sa kaligtasan ng publiko ngayong Holy Week.

Pinayuhan ni NCRPO chief Alan Purisima ang pubiko, na dapat laging maging alerto at maging mapagmatyag ngayong Semana Santa. Lalo na doon sa mga nais na bumiyahe kasama ang buong pamilya.

Narito pa ang ilang tips ng NCRPO para sa mga nais na bumiyahe:

1.Dapat planuhin ito ng mas maaga at ang nais na ruta.

2. Tiyaking nasuri ang sasakyan tulad ng brake, lights, oil, water, battery, air, gas, accessories at registration.

3. Dapat na laging dala ang inyong identification card (ID).

4. Isuot ang seatbelt, siguraduhing nakasara ang mga pintuan ng sasakyan.

5. Lagiang makipag-ugnayan sa tao na inyong pinagtitiwalaan.

6. Siguraduhing naka-lock ang mga pintuan at nakasara ang mga bintana ng mga iiwanang bahay.

7. Imbes na incandescent bulbs ay gumamit ng perimeter security lighting para maiwasan na magkasunog.

8. Tiyaking walang maiiwang nakasaksak na appliances.

9. Huwag magsuot ng alahas at huwag maglabas ng mga mamamahaling gamit habang naglalakad o nasa biyahe. Itago ang mga mahahalagang gamit gaya ng cellphone, wallet, at iba pa.

10. Alamin ang hotline number/s, halimbawa ng police o ng MMDA. Tiyaking nai-charge ang battery ng cellphone at dapat may load.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply