Cristine Reyes, Rayver Cruz hiwalay na

USAP-USAPAN sa social networking sites recently ang break-up nina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Habang ginagawa raw ng dalaga ang teleseryeng Dahil sa Pag-ibig ng ABS CBN ay patuloy naman ang hindi pagkakasundo ng magkasintahan.

Ang isa raw sa dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ay itong very vocal na mga pahayag ni Cristine about Piolo Pascual, kung gaano niya kagusto ang morenong aktor. Na kung hindi raw noon nagkaroon ng relasyon sina Piolo at KC Concepcion ay baka raw sila ang nagkatuluyan, at kung ano-ano pang statements na nakasasakit sa damdamin ni Rayver bilang boyfriend.

Gayunman, ang sinasabing parting of ways ng dalawa ay wala pa namang kumpirmasyon mula sa kanila. Tsismis pa lang ito na kasalukuyan pinagpipiyestahan ngayon sa internet.

Well, kung totoo ito, mahirap ngang panghawakan ang mga salita. Kagaya ng mga sinasabi sa isa’t isa ng dalawang Kapamilya Stars na ito na halos magsumpaan sa ilalim ng buwan, sa gitna ng araw at kulang na lang sa harap ng altar na kuning-kuning ay sila na ang itinakda ng kapalaran.

Anyway, hindi kaya nai-insecure lamang itong si Rayver sa syota nya at feeling nito ay lalo siyang napag-iiwanan dahil sa mga magagandang projects na ginagawa ng huli?

***

Coco itinanghal na ‘Natatanging Aktor ng Dekada’

Sunod-sunod na awards ang hinakot kamakailan ng isa sa mga bida ng “Walang Hanggan” na si Coco Martin. Kinilala siya bilang ‘Natatanging Aktor ng Dekada’ ng Gawad Tanglaw Awards at ‘Best Actor’ naman ng KBP Golden Dove Awards, PMPC Star Awards for TV, USTV 2012 Awards, at Northwest Samar State University Students’ Choice Awards for Radio and Television para sa kaniyang mahusay na pagganap sa de-kalibreng teleseryeng “Minsan Lang Kita Iibigin.”

Bukod sa tagumpay ni Coco sa iba’t ibang award-giving bodies, panalo rin ang patuloy na pagrereyna sa nationwide TV ratings ng “Walang Hanggan.” Sa pinakahuling datos ng Kantar Media, nananatili itong no. 1 sa listahan ng top overall TV programs sa bansa, kung saan humataw ito sa 37.5% national TV rating, o 22 puntos na kalamangan kumpara sa 15.4% ng katapat nitong programa sa GMA na “My Beloved.”

Samantala, patuloy na umiinit ang mga tagpo sa kuwento ng “Walang Hanggan” matapos dugtungan ni Daniel (Coco) ang buhay ni Katerina (Julia Montes) dahil sa pagbibigay nito ng dugo sa dalaga. Hudyat na ba ito ng muli nilang pagbabalikan? Anong gagawin ni Nathan (Paulo Avelino) sa sandaling malantad na si Daniel ang blood donor ng kanyang asawa?

Huwag palampasin ang mga rebelasyong gigimbal sa buhay ng mga karakter sa “Walang Hanggan” gabi-gabi, pagkatapos ng “E-Boy” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

-000-

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply