Cruise ship nasunog sa Palawan, 5 sugatan

LIMA katao ang nasugatan nang masunog ang kaliwang bahagi ng isang cruise ship habang naglalayag sa West Philippine Sea Palawan kagabi (Marso 30).

Sakay ng Azamara Quest ang may 600 pasahero na karamiha’y Americans at Europeans, habang 121 sa mahigit 300 crew ang mga Filipino.

Ayon kay Transportation and Communications spokesman Nicasio Conti, nasira ang dalawang makina ng luxury vessel kaya hindi na makaalis ang barko.

Naapula naman agad ang sunog at ngayo’y palutang-lutang ang Azamara Quest sa karagatang nasa pagitan ng Palawan at Zamboanga.

Nagpadala ng rescue vessels ang Philippine Coast Guard habang nag-dispatch din ng tugboat ang may-ari ng barko na Royal Caribbean International na nakabase sa Florida, USA.

Mula sa Maynila ang cruise ship na patungo sana sa Indonesia.

Batay sa Facebook account ng Azamara Club Cruises, nagsimula ang sunog sa engine room ng barko.

Kalmado naman umano ang mga pasahero bagama’t ang mga ito ay nasa assembly stations bilang paghahanda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply