Cuevas absent sa impeachment trial

HINDI nakadalo sa paglilitis ngayong araw si dating associate justice Serafin Cuevas bilang lead defense counsel ni Chief Justice Renato Corona dahil sa sakit.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Tranquil Salvador na kasalukuyang nakararanas ng vertigo si Cuevas kaya napagpasyahan niyang magpahinga muna sa kanilang tahanan.

“He is indisposed. He is suffering from vertigo. Nasa bahay nagpapahinga,” ayon kay Salvador.

Sa impeachment trial, sinabi ni Salvador na kasalukuyang mangunguna sa defense counsel si Atty. Jose M. Roy III habang absent ang dating mahistrado ng Supreme Court.

Sinabi naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na karapatan ng depensa na mamili ng kanilang lead counsel dahil hindi kontrolado ng Senado ang kanilang hanay.

“We have no control over the defense counsel, they can be led by anyone,’ ayon kay Enrile matapos ipahayag sa impeachment court ang pagliban ni Cuevas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply