Dagdag-pondo inihirit ng prosekusyon

KAKAILANGANIN pa ng House Prosecution Team ng karagdagang pondo para sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni House Committee on Accounts Chairman Florencio ‘Bem’ Noel, na sa simula pa ng impeachment trial nitong Enero 16, 2012 sa Senado hanggang Marso 22, ay gumastos na ang prosekusyon ng P3.5 milyon.

At dahil sa aabutin pa ng tatlong linggo ang paglilitis, sinabi ni Noel na posibleng maubos ang P5 milyon pondo na nauna nang inilaan ng liderato ng Kamara para sa prosekusyon.

Kasama sa mga nagastos nila ang P1.5 milyon na ginugol sa pagkain ng buong pwersa ng prosecution team, habang P2 milyon naman sa operasyon tulad ng pagbabayad sa secretariat, office supplies at iba pa.

Ang gastos naman ng prosekusyon sa mga private prosecutor ay pagkain at gasolina lamang, habang may binayaran din umano sila para sa kuryente sa Senado.

Gayunman, nilinaw ni Noel na walang bahid nang panghihinayang ang prosekusyon sa laki ng kanilang gastos lalo’t layon nilang linisin ang hudikatura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply