Dagdag sa mining tax iginiit ni Ralph Recto

DAHIL sa tumitinding isyu sa pagmimina, iginiit ni Senador Ralph Recto na gamitin ito ng pamahalaan upang umangat ang kita ng gobyerno sa pamamagitan ng paniningil ng karagdagang mining tax.

“Royalties are back-ended or paid only after income comes out from extraction of minerals while excise taxes are frontloaded or paid the minute extraction is done,” diin ni Recto, chair of the Senate ways and means.

Nais ni Recto na itaas ang mining excise tax ng 7 percent  mula sa 2 percent  na inaasahang makakakuha ang pamahalaan ng humigit kumulang sa P3.3 billion kita.

At hindi lamang ang pamahalaan ang makikinabang kundi maging ang local government units na nasasakupan ng minahan ang makakakuha ng dagdag na kita mula panukalang pagtataas sa mining tax.

Binigyang diin ng senador, paghahatian ng national government at LGU’s sa panukalang 7 percent excise tax na kung saan ay gagamitin ito sa Special Educatin Fund para sa kakulangan ng silid-aralan.

Bagaman, anang senador na mistulang pinapainan ng pamahalaan ang mga mining firm, hindi naman idinedeklara ng mga ito ang tunay na kinikita nila.

Umaasa si Recto na magiging bahagi ng fiscal rationalization bill ang panukala niyang dagdag mining tax  na inaasahang malalagdaan bilang executive order.

Nais ng pamahalaan na makakuha ng mas malaking royalty mula sa mining players na mahigit sa 50 percent.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply