Dahil ‘di umubra sa Kapamilya: Sa GMA rin pala ang bagsak ni Carla Abellana!

SA WAKAS, nawala na rin ang  agam-agam ng Kapuso net- work sa bali-balitang lilipat ng ibang network ang isa sa kanilang ipinagmamalaking aktres na si Carla Abellana. Pumirma ng isang exclusive contract sa GMA-7 kamakailan lamang si Carla at mananatili itong Kapuso star. Aminado naman daw si Carla na ilang networks rin ang nag-alok ng kontrata sa kanya pero mas binigyang-timbang nito ang mga ginawang pagpapahalaga sa kaniya ng GMA.

“I’ll be honest naman to admit na may ilang networks akong kinonsider,” ani Carla.

Pero mas importante pa rin daw ang unang studio network na nagbigay sa kanya ng break, nagtiwala sa kanyang kakayahan para marating ang posisyong kanyang ini-enjoy-ang maging isa sa mga kinikilalang artista ng Kapuso network.

“Excited na akong bumalik ng hosting sa Party Pilipinas,” ani Carla sa isang panayam sa kaniya right after her contract signing with GMA.

Matitigil na rin ang matagal-tagal nang tsismis na iiwanan nito ang dating network, gaya nang  paglipat-bahay ni Iza Calzado sa Kapamilya.

o0o

SA ISANG banda, tinitiyak naming hindi rin pinagsisisihan ni Iza  Calzado ang desisyong lumipat ng Kapamilya network dahil todo-todo ang suportang ibinibigay sa kaniya ng ABS-CBN. Malapit nang mapanood ang aktres sa isang teleserye na magi-air sometime this month. Marami rin nga pala ang pumuri sa kanyang recent guesting sa Maalaala Mo Kaya ni Ma’am Charo Santos-Concio.

Napanood namin ito last Saturday at ‘di talaga siya nagpakabog kina Zanjoe Marudo at Rica Peralejo.

o0o

HINDI madeklarang persona-non-grata ng ating bansa ang Hollywood actor na si Taylor Kitsch, ang bida sa pelikulang John Carter na ipinalalabas na sa mga sinehan dito sa ‘Pinas’ last Friday.

Hindi naman kasi si Taylor mismo ang nagsabing kinikilan diumano siya ng ilang tauhan ng Customs nu’ng dumating ito sa isang airport sa Asia.

Nabunyag na lang sa show ni David Letterman, ang Late Show with David Letterman, ang nasabing panggigipit na naranasan nito sa airport. Nag-especulate lamang ang host na si David na sa Pilipinas naganap yon, subali’t hindi na ikinorek ni Taylor na sa Indonesia nangyari ang nasabing di magandang karanasan.  Lumalabas tuloy na Pinoy na naman ang napapasama ang imahe sa buong mundo.

Kaya lang, dapat ay itinuwid din ito ni Taylor sa kaniyang mga interview at maging si David na nagkamali ito sa pagsasabing sa bansa natin naganap ang kanyang di-kagandahang karanasang ‘yun sa kamay ng mga mapagsamantala.

Well, ang masasabi lang namin, magandang timing ang pagpapakontrobersiyal ni Taylor dahil magiging curious ang mga manonood kung ano ba ang hitsura ng banyagang aktor once na pinasok nila ang sinehang nagtatanghal ng John Carter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply