Dahil sa pulutan, mag-utol sabay nautas

HINDI sukat akalain ng isang ina na sabay babawiin ni Kamatayan ang kanyang dalawang anak na lalaki, makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang naghahanap ng pulutan kaninang madaling-araw sa Milaor, Camarines Sur, sa ulat ng pulisya.

Sa report na isinumite ni SP01 Miguelito Laot ng Milaor PNP, kinilala ang mga biktima na sina Michael, 27, at ang 18-anyos na si Mark Latumbo.

Ani Laot, binabaybay ng motorskilo ang national highway sa Barangay Amparado nang mawalan ng kontrol ang mga biktima at sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang kongkretong pader.

Sa lakas ng impak ay humagis ng ilang metro ang magkapatid at sabay na nalagutan ng hininga.

Napag-alaman na kahapon ay nagpaalam ang dalawa na dadalo lamang sa graduation celebration ng matalik nilang kaibigan.

Bandang, alas-3:00 kaninang madaling-araw ay naubusan ng pulutan ang mga nag-iinuman dahilan upang mag-volunteer ang dalawa na sila na ang bibili, na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply