Dahil sa sobrang kapayatan: BB Gandanghari may nakahahawang sakit?

HINDI mamatay-matay ang isyu tungkol sa mahiwagang sakit umano ni BB Gandanghari na nakahahawa. Kaya raw ito nagtago ng matagal sa US para magpagamot. Ang kanyang sakit ay nakuha umano nito sa Thailand. Mas lalo pang napag-uusapan ang isyung ito sa umpukan ng mga tsismosa dahil na rin sa sobrang kapayatan ng una.

Ngunit may sagot naman si BB sa kanipisan ng kanyang katawan, modelo raw kasi siya sa New York kaya ganito ang kanyang wankata. Na kinontra naman ng iba, paano raw magiging model ang aktor na naging girlita gayong hindi tinatanggap sa nasabing bansa ang mga gurang ng modelo.

Saan kaya natin puwedeng hagilapin si Gandanghari para mainterbyu? Tanging si Mariel Rodriguez lang daw kasi ang nakaaalam kung saan ito tumutuloy. Bawal naman sa kanila dahil naiirita si Robin na makitang panay ang kendeng ng kanyang utol.

Tingin naman namin malakas pa sa kalabaw si BB kaya paano itong magkakaroon ng sakit na nakahahawa at nakamamatay? Iyon nga lamang, oo nga’t malakas siya pero lalambot-lambot naman kapag naglalakad. Hehehe!

Pahulaan kaya natin kina Madam Auring at Bro. Arman Cuban kung ano ba talaga ang karamdaman ng bayaw ni Mariel. Ma-gets kaya nila?

***

Insulto kay Mega ang once a week na show

NUNG pumirma ng kontrata si Sharon Cuneta sa TV5, sabi nila ito raw ang magiging flag carrier nila. Ito raw ang magdadala ng bandila nila tungo sa pagiging number one na network. Pero paano naman mangyayari ito kung wala nga ito ni isang show?

Yung sinasabing daily afternoon program for Mega ay hindi pa pala magkakatotoo dahil once-a-week lang ito magpoprograma at tuwing Sabado lang daw at ilalagay sa timeslot na babakantehin ng Paparazzi na titigbakin na sa ere pero wala pang kaalam-alam ang grupo ni Cristy Fermin. Hahaha!

Hindi kaya magkaroon ng malaking rally ang mga tagahanga ni Sharon sa planong ito ng TV5? Insulto ito sa kakayahan ng singer/actress. Hindi pa naman siya laos para bigyan ng pang-maintenance na show.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

About Thor

One Comment

  1. Maria

    March 30, 2012 at 5:39 pm

    Baka may AIDS!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>