Dalagang dentista inutas sa sariling klinika

TADTAD ng saksak ang isang dentista at wala nang buhay nang datnan ng kanyang kasama sa loob ng kanilang klinika sa Makati City kahapon.

Hinihinalang nanlaban sa suspek na nanloob sa Bulaon & Aguila Medical and Dental Clinic na nasa 142-A 9th Avenue, Bgy. East Rembo si Myla Viado, 32, ng MB 14 Unit 301 Pamayanang Diego Silang, C5 Barangay Ususan, Taguig City kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay.

Sa imbestigasyong isinagawa ni SPO1 Alfred Reyes ng Homicide Section ng Makati police, mag-isa umanong naiwan sa loob ng klinika ang biktima nang lumabas upang kumain sina Dra. Amalia Bulaon at kanyang assistant na si Marjorie Sta. Isabel, pasado alas-12 ng tanghali.

Dakong alas-3 ng hapon nang bumalik ang dalawa at dito na nila nadiskubre ang nakahandusay na kasamahang dentista  kaya humingi sila ng saklolo sa mga opsiyal ng barangay sa East Rembo at sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 7 ng Makati police.

Bagamat pagnanakaw ang hinihinalang motibo sa pagpatay matapos matuklasan na nawawala ang bag at cellphone ng dentista, hihintayin pa rin ng pulisya ang resulta ng isasagawang pag-awtopsiya sa bangkay upang  alamin kung minolestiya rin ang biktima bago patayin sa saksak ng salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply