Dalagita binoga ng retiradong parak bago nagbaril sa sarili

NAGBARIL sa sarili ang isang retiradong pulis matapos niyang barilin ang isang 17-anyos na dalagita sa Passi City, Iloilo kaninang umaga.

Sinabi ni Police Supt. Noel Dumalag, hepe ng Passi City Police Station, na pinuntahan muna ni retired SPO2 Juanito Baculina sa bahay ang hindi pinangalanang dalagita at doon binaril.

Pagkatapos ang pagbaril sa biktima, umuwi sa kanilang bahay ang retiradong pulis at saka nagbaril sa sarili gamit ang .45 caliber pistol.

Ang dalawa ay parehong dead on arrival sa Passi City District Hospital.

Nagtamao ang dalaga ng tama sa dibdib habang sa ulo naman ang tama ng retiradong pulis.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis sa motibo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply