Dalagita ginahasa muna bago pinatay

BULOK at halos naaaganas na nang matagpuan ang katorse anyos na dalagita na hinihinalang ginahsa muna bago pinatay at saka itinapon ang bangkay sa Rosales, Pangasinan, sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa naantalang report na nakarating sa Camp Crame, unang inulat na nawawala ang biktimang si Vangeline Martin residente ng naturang bayan nitong nakarang linggo.

Lumalabas sa pagsisiyasat na itinuro ng isang Amando Nograles, magsasaka, ang katawan ng biktima na nakita niya malapit sa bukirin na kanyang sinasaka.

Halos itim na ang bangakay at pinagpipiyestahan na ng uod ang katawan ng biktimang natagpuang nakasuot ng lilang damit at walang panty.

Dahil sa damit na suot, bracelet, sing-sing at tsinelas, positibong kinilala ang bangkay ng kanyang mga magulang.

Huling nakita ang biktima noong Huwebes ng gabi nang nakaraang linggo.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply