Dalagita nabuntis ng rapist

NAPILITANG lumantad at magharap ng reklamong pangagahasa ang isang 16-anyos na dalagita nang magbunga ang panghahalay na ginawa sa kanya ng itinuturing niyang kaibigan habang siya’y nasa impluwensiya ng sleeping pill sa lalawigan ng Cebu, sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, dumulog ang biktimang hindi pinangalanan, 3rd year high school student at residente ng bayan ng Liloan sa Women’s and Children Desk ng Mandaue City Police Office

Ito’y matapos na magbunga ang ginawa umanong pangagahasa sa kanya ng 19-anyos na lalaki na college student sa Brgy. Looc, lungsod ng Mandaue, Cebu.

Nabatid na kinumbida umano ng suspek ang dalagita sa birthday ng kanyang ama sa pamamahay nito noong Disyembre 28 ng nakalipas na taon.

Sinasabing matapos itong kumain, inabutan ang biktima ng alak ng suspek, ngunit kanya itong tinanggihan at sa halip ay binigyan na lang ito ng softdrinks.

Nabatid sa biktima na bigla na lang siyang nahilo matapos inumin ang softdrinks hanggang sa makatulog.

Nang magising ay sumasakit na umano ang kanyang ari habang natanaw pa ang suspek na dali-daling nagbihis ng shorts.

Sinabihan lang umano ito ng stepmother ng suspek na kung sakaling magbunga man ang ginawa ng kanyang stepson, ay handa silang magbigay ng suporta sa ipinagbubuntis ng dalagita.

Dahil sa takot ay itinago ng biktima ang pangyayari sa kanyang mga magulang, ngunit lumipas ang ilang buwan ay palagi na lang itong nagsusuka hanggang sa magpositibo rin ito sa pregnancy test.

Kasama ang ama, dumulog na sa mga pulis ang biktima upang isumbong ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply