Dalagita nagbigti dahil nagastos ang pang-matrikula

ISANG high school graduating student ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagsabit ng kanyang leeg sa alambre matapos na masermunan ng mga magulang dahil sa ginastos na perang na pambayad dapat sa kanyang matrikula sa lalawigan ng Albay.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, ang biktima na hindi muna pinangalanan ay isang 4th year high school na dalagita na nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Legazpi.

Nakita na lamang umano ng pamilya ng dalagita na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto ang biktima.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit huli na ayon sa mga doktor.

Base sa impormasyon, gumamit ng alambre ang biktima sa pagbigti sa kanyang sarili.

Sa pakikipag-usap ng mga awtoridad sa pamilya ng biktima, napag-alaman na napagalitan ang biktima ng kanyang mga magulang dahil nagastos nito ang ibinigay na pera na ipambabayad sana ng tuition fee.

Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad makaraang tangkain ng pamilya na ilihim ang pangyayari. VERLIN RUIZ

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply