Dalawa ang bf

Hi Rielrose na lang po. May naging Bf po ako at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin po siya kahit wala na po kami. Nag-break po kami kasi sinabi ko po sa kanya na maliban sa kanya may bf pa akong isa at 3 years na kami. Alam kong masakit po para sa kanya yung ginawa ko, at nung kami pa po ay nangako siya sakin na kahit anong mangyari mahal na mahal niya pa rin ako. Posible po bang nawala ang pagmamahal niya sakin nung malaman niyang may bf pa akong iba?
KAREñosa: Rielrose ang tanong dyan, nakapag-usap na ba kayo ng bf mong yan? E nung Bf mo ng 3 years naka-pag-usap na rin ba kayo? Maging fair ka sa dalawang tao na ‘yan dahil sigurado ako mahal kang parehas niyan. Sana di ka naglaro, kung may bf ka na isa. Tama lang na hiniwalayan mo yung isa, kasi mali naman talaga ang gina-wa mo. Kawawa yung matagal mo ng Bf kasi para siyang tanga na walang alam sa nangyayari. Kung mahal mo ung bf mo na hiniwalayan mo, at if he loves you back, the time na sinabi mo yung totoo sa kanya, nalaman mo na kung ano gagawin niya. Don pa lang masasagot na tanong mo sakin. Mahal ka niya kung tinanggap ka niya sa kabila non.
***
Hi Miss Karen isa po ako sa mga nagbabasa ng column niyo. Advice naman po kasi may problema ako. Tama po bang magmahal ako sa taong may mahal ng iba, pero lagi niya pa rin sinasabi sakin na mahal na mahal raw niya ako.
KAREñosa: Hay buhay, kung mahal na mahal ka niyang talaga, dapat wala na siyang mahal na iba. Ang maipapayo ko lang, maraming tao ngayon ang mapagsamantala, marami kasing mababait o bumabait pagdating sa pag-ibig kasi natatakpan ng pagmamahal nila yung katotoha-nan. Minsan kahit sinasabi ng isip yung dapat gawin, wala ng magagawa pag puso na ang nagpasya. Wag kang maniwala, maraming tao pa diyan ang walang kapareha, naghahanap ng isang tao na ang gusto lang rin ay nag-iisa siya sa puso niya, Ikaw ang lang masasaktan kung ipagpapatuloy mo yang malabong sitwayson na yan.
oOo
Para sa problemang pag-ibig, i-text ang BT_Name_Problemang Pagibig at isend sa 09183386058
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply