Dalawang guro sa Iligan City dinukot

DINUKOT ng may 30 armadong kalalakihan ang dalawang guro ng Limunsudan Bayug Falls Elementary School sa Barangay Rogongon, Iligan City.

Kinilala ng Iligan-PNP ang dalawang guro na sina Keno Sanchez at Rene Sumagang.

Base sa ulat, nagpapahinga ang dalawang guro nang dumating ang mga armadong lalaki at sapilitang isinama.

Sinasabing dinala sa bulubunduking bahagi ng lugar ang dalawang guro.

Naatasan namang tumulong ang 4th Mechanized Infantry Battalion para masagip ang dalawang guro at matukoy kung sino ang utak at kung ano ang motibo sa pagdukot.

Nabibilang ang Limunsudan Bayug Falls Elementary School sa isa sa mga hinterland barangay sa Iligan City.

Umapela na rin si Iligan City Mayor Lawrence Cruz sa mga kidnapper na pakawalan na dalawang bihag na guro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply