Darchinyan, mukhang pera! – Donaire

NAGPAHAYAG si WBO super bantamweight champion Nonito Donaire, Jr. (28-1-0, 18 KOs) na kahit na sinong magtatangkang tumapat sa kanya na may dalang korona ay patutulugin niya.

Kahit aniya si WBA World super bantamweight champion Guillermo Rigondeaux (9-0-0, 7 KOs) na matagal nang naghahangad na makaharap siya ay wala siyang pakialam.

Ayon kay Donaire, wala siyang tinatanggihang kalaban. Maging aniya sina Toshiaki Nishioka, at Jorge Arce ay nakahanda na siyang sagupain ang mga ito.

Si Rigondeaux noong isang taon ay hindi na naghamon kaya hindi na nila ipinagpatuloy ang negosasyon.

Sinabi ni Donaire na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro pera ang nasa isip
niya.

Binatikos niya rin si Thailander Poonsawat Kratingdaenggym na naghamon sa kanya subalit humihingi ito ng malaking premyo.

Samantala, isiniwalat ni Donaire na nais niya rin sanang makipag-rematch kay Vic Darchinyan na iginupo niya via 5th round TKO noong July 2007 subalit tila mukha umano itong pera matapos mag-demand din ng mas malaking bayad kapalit ng pagsagupa sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply