Dating boldstar, sex slave ng manyak na gambling lord

DEKADA 80s nang sumikat ang boldstar na si Tetchie (‘di tunay na pangalan), na sa mga panahong iyon ay may katawan na talaga namang katakam-takam sa kalalakihan.

Dahil sa angking kariktan, laging patok ang mga pelikula niya sa mga sinehan, pinipilahan ang mga ito lalo ng mga kalala-kihan na sabik makita kahit sa telon ang kanyang kahubaran.

Tayong-tayo ang boobs ni Tetchie noong kasikatan niya, ang labi ay animo laging nag-anyaya ng halikan, ang balakang ay gumigiling sa paglakad at may kutis na mala-porselana na binagayan ng pagiging balbon niya.

Playgirl si Tetchie. Palibhasa’y kaya niyang paikutin sa mga palad ang mga lalaki na baliw na baliw sa kanyang kagandahan. Para lang siyang nagpapalit ng panty kung magpalit ng boyfriend.

Isang aktor na semi-retired ang naulol noon kay Tetchie. Halos nasimot ang naipong kabuhayan nito dahil sa boldstar. Hindi naman siya nanghihingi pero ito ang nag-aalok.

Maka-sex lang si Tetchie, kung ano-ano ang ibinibigay ng aktor, tawagin natin sa pangalang Rod. Dating wise ang boldstar, basta bago pumatong ang boyfriend, kailangan ay may lagay. Pirmado ito sa kasulatan.

Huli na ng matauhan ang aktor na wala na siyang kabuhayan kaya inisplitan na niya si Tetchie. Ang boldstar naman, lahat ng bisyo ay natutunan, alak, droga at casino. Nalulong siya rito ng husto.

Sa casino niya nakilala ang gambling lord na si Alex (‘di rin tunay na pangalan). Ito ang naging utangan niya sa panahong lagi siyang napagtatalo sa sugal.

Dumating sa puntong nabaon na sa utang si Tetchie. Halos pati kaluluwa niya ay naisangla na niya kay Alex at ang mga ari-arian niya ay isa-isa nang nabatak.

Napabayaan na rin ni Tetchie ang showbiz career at kasabay ng pagkulimlim ng bold trend ay ang pagkalaos niya. Naranasan niya na ni pambili man lamang ng bagong panty, wala na siya.

Dahil kursunada naman ng gambling lord na si Alex si Tetchie, inalok niya ito na maging kerida, bagay na pinaunlakan ng boldstar dahil kapit na siya sa patalim.

Ibinahay ni Alex si Tetchie sa isang lugar sa Central Luzon na malayo sa mata ng mapanuring tao. Noong una, ayos lang sa boldstar ang set-up.

Biglang pagtanaw ng utang na loob, lahat ng uri ng pagpapaligaya ay ginawa ni Techie kay Alex, ultimo himurin niya ang tumbong nito. Siya na ang gumagawa sa kanilang lovemaking, basta nakahiga lang ang gambling lord.

Pero nang lumaon, sobrang paghihigpit na ang ginawa ni Alex kay Tetchie, halos hindi na niya ito palabasin ng bahay, laging guwardiyado. Nasa kuwarto na niya ang lahat ng pa-ngangailangan.

Ginawa na lamang na mistulang sex slave ng gambling lord ang dating boldstar. Parausan na lamang niya ito kapag sinusumpong ng libog.

Wala namang magawa si Tetchie kundi tanggapin ang nangyari sa kanyang buhay. Maimpluwensiya si Alex, mara-ming koneksiyon at kundi siya, baka pati pamilya niya ay kung ano ang gawin nito.

At saka wala na rin naman asim ang dating boldstar. Kahit makawala pa siya kay Alez, laspag na ang katawan niya, hindi na katakam-takam sa kalalakihan. Magtiis na lang siya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply