Dating police chief huli sa panghoholdap

HULI ang isang dating hepe ng pulisya makaraang holdapin ang tatlong Chinese at isang Japanese habang naghihintay ng kanilang tour guide sa Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya .

Kinilala ni S/Supt. Valfrie Tabian, provincial director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang mga hinoldap na sina Panling Ming, 51, at Chu Teng, 29, kapwa Chinese national, ang Japanese na si Ricky Mamoto, 47, ang Filipino-Chinese na si Robert Go, 63, at ang driver ng sinakyan nilang Mitsubishi Montero na kulay itim.

Pahayag pa ni Tabian, galing ang mga biktima sa Quirino province at magtutungo sana sa Lagawe, Ifugao ngunit pagsapit nila sa junction ng Tuao North, Bagabag ay tumigil sila upang hintayin ang kanilang tour guide na sina Wilfredo Flores, dating pulis na nakatalaga sa CIDG , Christopher Mesias, Rolando Costales.

Biglang dumating ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo na kalaunan ay nakilala ang isa na nabatid na wanted na si dating C/Insp. Freddie Cacliong, dating hepe ng PNP sa San Mariano, Isabela.

Si Cacliong ay natanggal sa serbisyo dahil sa umano’y pambubugbog sa isang sibilyan sa Echague, Isabela dahil lamang sa alitan sa trapiko.

Matapos matanggal sa serbisyo ay naging wanted sa batas si Cacliong dahil siya ang itinuturo namang bumaril at pumatay sa isang lalaki sa Ramon, Isabela.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply