David Archuleta may Pinoy album!

YES may Pinoy album nga ang dating finalist ng American Idol at heartthrob na si David Archuleta.

Ito ay pagkatapos ng successful na mini serye niya sa TV5 na “Nandito Ako” kasama sina Jasmine Curtis at Eula Caballero.

Ang album at may titulong “Forevermore.” Dito mismo sa Pilipinas ni-record ang kanyang bagong album habang ginagawa pa niya ang mini-serye.

Batay sa official website ng singer/actor, ang album ay collection ng mga original Filipino classic love songs na sinulat at kinompose ng mga sikat na Pinoy songwriters at singer/songwriters tulad nina Louie Ocampo, Jay Durias, Jimmy Antiporda, Cecil Azarcon at Ogie Alcasid.

Dahil Forevermore ang title ng album, siyempre may track din na Forevermore (ito yung pinasikat ng Side A kung saan miyembro at singer/composer si Jay Durias).

Kasama rin ang mga sumikat na OPM classics tulad ng “I’ll Never Go,” “You Are My Song,”  “Rainbow,” at “Tell Me.”

Ang Forevermore ay ini-release sa Pilipinas ng Ivory Music.

Abangan rin ang ilalabas na music video na tiyak na magugustuhan ng kanyang mga fans!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply