Day 27: Mosyon ng depensa vs prosec evidence ibinasura

SA IKA-27 araw ng paglilitis ng impeachment case ni Supreme Court Chief Juctice Renato Corona, ay ibinasura ng Senate Impeachment Court ang “motion to suppress illegally obtained evidence” na inihain ng Defense Panel kaugnay sa mga bank record na hawak ng House Prosecution Panel.

Sinabi ni Senate Majority Leader Tito Sotto, unanimous ang boto  ng mga senator-judge sa naturang isyu dahil sa kawalan ng sapat na merito.

Magugunitang, mariing kinuwestiyon ng depensa ang paraan kung paano napasakamay ng prosekusyon ang mga bank record ni Corona. Iginiit ng depensa na ipinagbabawal ito ng umiiral na batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply