Day 27: Rep. Tiangco unang testigo ng depensa

SA PAGSISIMULA ngayong araw ng presentasyon ng Defense Panel ni Chief Justice Renato Corona, isinalang bilang unang testigo si Navotas Rep. Tobias Tiangco.

Pinangunahan ni Atty. Dennis Manalo ang direct examination sa mambabatas.

At dahil sa ruling ng korte, hindi na maaari ang argumento ng depensa na magkaroon ng pagtalakay sa preliminary issues ng articles of impeachment kaya’t tumutok na lamang ang pagtatanong ni Manalo sa ibang paksa.

Sa pagsalang sa witness stand,  tinukoy ni Tiangco ang mga pangyayari noong araw na nagdaos ng “all majority caucus” sa Kamara para pag-usapan ang impeachment case ni Chief Justice Renato Corona

Ayon kay Tiangco, bago pa man naisalang sa caucus ang Corona issue ay may kumalat na umanong text message na mula kay House appropriations committee chairman Jun Abaya na nakasaad na “zero” sa Philippine Development Assistance Fund (PDAF ) o pork barrel ang mga kongresista na hindi boboto sa impeachment

Bilang bagong kongresista noong 2010, natakot umano si Tiangco na hindi bumoto pabor sa impeachment ni Corona dahil sa posibilidad na makabangga nito si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Bukod pa sa takot na muling maharang ang kanyang PDAF sa mga kongresista na hindi boboto noon pabor sa impeachment ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez

Bukod dito, isinalaysay din ng kongresista ang umano’y pang-iipit na ginagawa sa kanya ni Budget Secretary Florencio Abad para sa pagpapalabas ng kanyang SARO na sinabi na sa pamamagitan ng text message na makipag-usap ito sa Pangulo.

Ibinunyag din ni Tiangco, sa nasabing caucus na ipinatawag ni House Speaker Sonny Belmonte, ayon kay Belmonte na ang Punong Mahistrado ang nagiging hadlang sa mamagandang layunin ng Pangulo.

“Siya (Corona) ang magiging hadlang sa magagandang layunin ni Noynoy, ano na lang ang magagawa ng Pangulo,” sinabi ng kongresista

Sinabi rin umano ng House Speaker na ang nasabing isyu ay non-debatable at hind ie-entertain ang anumang katanungan

“Hindi ko talaga nagustuhan yan dahil kami po ay deliberative body na ang lahat ng ginagawa naming sa kongreso at pinagdedebatehan,” ani Tiangco

Tinukoy din nito na maging ang ilang Kongresista ay umalma din sa agarang pagpapatawag ng caucus patungkol sa impeachment ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply