Day 27: Subpoena sa pagsalang ng ilang kongresista ibinasura

IBINASURA ng Impeachment Court ang kahilingan ng Defense Panel para i-subpoena ang ilang kongresista na may kaugnayan sa beripikasyon ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Renato Corona

Bukod kay Congressman Tobias Tiangco, ang maaari na lamang tumestigo pa ay sina Congressmen Crispin Remulla at Hermilando Mandanas kapag isinubpoena na sila ng Senate Impeachment Court

Ang nasabing mga kongresista ay kabilang sa mga hindi lumagda sa impeachment complaint na nilagdaan ng may 188 kasamahan nito laban kay Corona na nais ng depensa na gawing adverse witnesses.

Nais sanang isalang ng depensa ang ilang kongresista sa witness stand para patunayan na walang due process na iginawad kay Corona nang isampa ang Impeachment Complaint

Pinaliwanag ni lead defense counsel Serafin Cuevas, kapag napatunayan umanong wala itong due process ay hayagang paglabag sa Konstitusyon at maituturing na null and void ang complaint

Ngunit sa huli, nanindigan si Presiding judge Juan Ponce Enrile sa ruling ng korte.

“Since the purpose of the subpoena is to present evidence on the cirumstances of the verification of the Articles of Impeachment which has been previously ruled upon by this court when it considered the motion for preliminary hearing filed by the defense, the request is denied,”  ani Enrile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply