Day 30: Ika-6 na testigo ng depensa isinalang

ISINALANG na ngayon sa witness stand ang ika-anim na testigo ng Defense Panel na si Roberto Villaluz, officer-in-charge ng City Assesors Office ng Taguig City.

Si Villaluz ay tetestigo upang idetalye ang mga sinasabing property ni Chief Justice Renato Corona sa Taguig City, partikular na ang nasa Bonifacio Ridge at Bellagio condominium.

Bago magsimula ang pagatatanong kay Villaluz, hiniling muna ng depensa sa impeachment court na Tagalog ang gagamiting wika ng kanilang testigo.

Ngunit nang magsalita naman si Villaluz ay wikang Ingles ang ginamit nito dahilan para magtawanan ang mga dumadalo sa paglilitis.

“Teka muna, akala ko gusto mong mag-Tagalog?” tanong ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa kanyang pagsalang, inamin ni Villaluz na ang market value ng Bellagio property ni Corona ay P5,827,200, habang ang assessed value naman nito ay P3,496,320.

Aniya, hindi nakapagtataka ang pagkakaroon ng magkaibang market at assessed value ng mga ari-arian ng punong mahistrado.

Ani Villaluz, karaniwang mas mataas ang fair market value kaysa sa assessed value.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply