DAY 32: Serafin Cuevas absent pa rin

ABSENT pa rin si defense lead prosecutor at dating Associate Justice Serafin Cuevas sa pagpapatuloy ng ika-32 araw ng impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona kanina.

Kahapon ay hindi rin nakadalo si Cuevas dahil pa rin sa sakit na vertigo.

Ayon kay defense spokesman Atty. Tranquil Salvador, sa susunod na araw ay tiyak nang makababalik sa impeachment proceeding si Cuevas kapag maayos na ang kondisyon nito.

Kahit naman aniya nasa bahay lang si Cuevas, nakatutok pa rin ito sa paglilitis sa pamamagitan ng panonood sa telebisyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply