DAY 33: Cuevas nagsori sa 2 araw na pagliban

AGAD nag-sorry si dating Justice Serafin Cuevas sa Senate Impeachment Court sa hindi pagsipot ng dalawang araw sa impeachment trial kamakalawa at kahapon.

Sa kanyang paglutang ngayong araw sa impeachment court, nilinaw ni Cuevas na tanging ang sakit na vertigo lamang ang dahilan kaya hindi siya nakaharap sa korte at hindi dahil bumaliktad na ang pagsuporta niya kay Chief Justice Renato Corona.

Agad namang tinanggap ni Senate President Juan Ponce Enrile ang paghingi ng paumanhin ni Cuevas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply