DAY 33: LRA admin ginisa ng senator-judges

MATAPOS aminin ni LRA Admin. Eulalio Diaz na kaya niya inihanda ang listahan ng mga ari-arian ni Chief Justice Renato Corona ay dahil sa pangungulit sa kanya ng media na makahingi ng kopya sa ika-33 araw ng impeachment proceedings ay inulan naman siya ng batikos mula sa senator-judges.

Ayon kay Diaz, mula nang kumalat ang tungkol sa properties ni Corona, agad niyang iniutos ang pagpapasaliksik ukol sa mga ito kaya mabilis niyang nai-release sa House prosecution team ang kopya na hindi na isinailalim sa malalimang pagbusisi.

Sinupla naman si Diaz una ni Presiding Judge Juan Ponce Enrile, na sinundan nina Sen. Loren Legarda at Jinggoy Estrada.

Nainis ang senator judges dahil sa pabago-bagong statement ni Diaz kung saan una niyang sinabi kay Legarda na gumugol sila ng dalawa hanggang tatlong araw para sa research ng mga ari-arian ni Corona matapos hingin ni Rep. Niel Tupas Jr, ngunit sa sagot naman niya kina Sen. Bong-Bong Marcos at Senate President Juan Ponce Enrile ay sinabi nitong nauna na nilang inihanda ang nasabing dokumento ukol sa 45 properties ng punong mahistrado bago pa man hingin sa kanya ng prosecution.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply