Day 33 ng impeachment trial nagsimula na

NAG-UMPISA na ang ika-33 araw ng impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Nanguna si Senator-judge Gringo Honasan ang panimulang panalangin.

Dumalo ang 19 na senador sa paglilitis.

Present na rin si defense lead counsel at dating associate justice Serafin Cuevas na dalawang araw lumiban dahil sa pagkakasakit.

Inaasahan naman ang muling pagsalang ni Carmina Cruz, ang Customer Relation Head ng Alveo Land, kung saan may property ang punong mahistrado.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply