DAY 34: Ari-arian ni Corona sa Batangas tutukuyin

HAHANAP na rin ng dokumento ng mga ari-arian ni Chief Justice Renato Corona ang prosekusyon sa labas ng Metro Manila partikular sa kanyang lalawigan sa Tanauan, Batangas.

Ito ang tiniyak ni Aurora Rep. Sonny Angara, kasunod ng ginawang rebelasyon ng Land Registration Authority (LRA) administrator Atty. Eulalio Diaz III sa pagdinig ng impeachment court.

Ayon kay Angara, maaaring makapag-presenta ng bagong ebidensiya ang prosekusyon kahit tapos na sila at ito ay maaaring gawin sa rebuttal stage kung saan maaari silang maghain ng leave of court o hingin na lamang ang pag-apruba ng korte.

Una nang inihayag ni Diaz na nilimitahan lamang niya ang paghahanap sa mga ari-arian ni Corona sa Metro Manila, na nagresulta sa paglabas ng 45 titulo. Subalit, nabatid na napalaki ang listahan at 21 lamang dito ang napatunayan ng prosekusyon na may kaugnayan sa punong mahistrado at sa mga anak nito.

Paniwala ni Angara na hindi makakaapekto ang testimonya ni Diaz sa kaso ng prosekusyon at ginamit lamang nila ang naturang listahan para makakuha ng subpoena mula sa korte.

Matatandaang inakusahan ni Senadora Miriam Defensor Santiago si Diaz ng pagtatanim ng ebidensiya para madiin si Corona.

Kasama sa 21 titulo ang McKinley property na nakapangalan sa anak ni Corona na si Charina, 3 parking lots, at pitong titulo sa Marikina Heights na ibinenta sa pinsan nitong si Demetrio Vicente.

Sa pagbabakasyon ng impeachment trial at pagbabalik nito sa Maro 7, sinabi ni Angara na mas kapaki-pakibanag ito sa depensa dahil may panahon sila para makapag-prepara.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply