DAY 34: De lima muling isasalang sa paglilitis

PINAGBIGYAN ni presiding officer Juan Ponce Enrile ang hirit ng kampo ng depensa na i-subpoena si DOJ Secretary Leila de Lima para muling tumestigo sa paglilitis kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa senador, nais nilang maging patas sa magkabilang panig kaya pinagbigyan nila ang kampo ng depensa na i-subpoena si De Lima.

Matatandaang i-sinubpoena na nila noon si De Lima sa panahon ng paglakas ng ebidensiya at testigo ng prosekusyon.

Unang tumestigo ang kalihim sa impeachment court kaugnay sa pagpabor ni Corona kay dating Pangulong Arroyo nang maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa hold departure order na inilabas laban sa biyahe ng dating pangulo na si Gloria Arroyo sa labas ng bansa.

Samantala, pinayuhan naman ni senator-judge Loren Legarda ang kampo ng prosekusyon na humingi ng sorry kay Corona dahil nagkamali sila sa pagsasabi ng tunay na bilang ng mga ari-arian ng punong mahistrado.

Ayon sa senadora, hindi umano inalam na mabuti ng prosekusyon kung talagang pag-aaring lahat o hindi ni Corona ang 45 properties at inilabas nila agad nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply