Mrs. Corona kumita ng P6.1-M sa JHMC

UMAABOT sa P6.1 milyon ang kinita ng misis ni Chief Justice Renato Corono noong presidente pa ng John Hay Management Corporation (JHMC).

Sa ika-34 na araw ng impeachment trial, humarap si Miriam Mosuela, financial officer ng JHMC upang patunayan na tumanggap ng kabuuang halagang P6,162,075.54 mula sa kanyang suweldo, allowances at benefits mula taong 2007 hanggang 2010 ang misis ng punong mahistrado.

Kabilang aniya sa natanggap ni Misis Corona ang sahod, benepisyo at allowances noong (2007) na P1,315, 746.30; (2008) 1,959,178.15; (2009) 1,915,002.79; at P972,148.30 (2010).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply