Death penalty sa bansa ipinababalik

BUNSOD nang lumalalang suliranin sa karahasan at paglaganap ng mga karumal-dumal na krimen sa bansa, nagpahayag si Manila Mayor Alfredo Lim na pabor siya sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Sa ginawang panayam sa alkalde sa ginananap na ika-55  taong anibersaryo ng kamatayan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, Jr., ngayon, sinabi niya na tila hindi na nasisindak ang mga kriminal sa parusang habambuhay na pagkakabilanggo para mapigil silang gumawa ng mga heinous crime.

Ito aniya ay hindi na angkop sa kasalukuyang panahon.

Maging ang ilang opisyal ng lungsod ang sumang-ayon sa pahayag ni Lim.

Ayon sa kanila, masyadong malabnaw ang justice system sa bansa kung kaya’t hindi nabibigyan ng tamang hustisya ang pamilya ng mga biktima.

Sinabi pa ng mga ito na kabi-kabila at sunud-sunod ang kaso ng panggagahasa at pamamaslang sa mga paslit sa Kalakhang Maynila subalit hindi naparurusahan nang maayos ang mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply